Invisible

R
3 min readApr 29, 2021

Some years ago, nagwork ako sa isang kilalang fashion company. First ever job ko. Designer ako dun, at dun din ako nagspend ng internship nung college kaya siguro madali din akong natanggap.

Ang ironic nga, kasi fashion company tong pinagtatrabahuhan ko pero ako mismo walang sense of fashion- malala pa dun, graphic designer nila ako haha. Pero ayun, so you get the vibe. Mga shalan mga tao, mga high end eme. English speaking, naka high heels, at kala mo laging pupunta ng Oscars yung mga tao pag papasok sa office. Ako wala talaga akong maoffer sa ganyan. I always have this feeling of parang kahihiyan kapag may nakikita akong taong nakaporma ng bongga tapos sobrang ganda sa kanila. Tapos nandun ako. May feeling talaga na parang feeling ko basura ako. Hahaha parang sobrang lala ng self-esteem ko sa ganyan talaga. Yung mga tao sa paligid ko feeling ko gusto na sabihin sakin nun na, “Mag-ayos ka naman” or “Hmmm may iba ka pa bang damit?” kind of questions haha. Self esteem and insecurity. Para kong sinasaksak. Isa sa pinakaayaw ko na feeling.

So may one time, merong company event. Parang launch ata ng Pop-up store. Dun din naman yun malapit sa office, so after work hours, dumayo kami ng mga kateam ko para makita. Habang nagtitingin around, nandun yung mga shalan na member ng marketing, english english tapos yung ibang mga manager at boss. Natitingin kami ng mga damit ng friend ko na kapwa ko designer, tapos biglang may nagapproach samin na babae. Tinanong kami sino kami, at explain explain about sa company. Tinignan pa nya yung kaibigan ko from head to toe. Then sabay sabi na kung may kelangan daw kami, approach lang daw namin mga staff in the most annoying voice ever.

Yung babaeng yun, lagi naman namin nakikita sa office. At meron din naman kaming few encounters, pero bakit ganun? Hindi nya kami kilala? Dahil ba ang chaka namin? Hindi kami mukhang mga “it” girl? It almost feel like na yung usap na yun, parang mas gusto nya kaming paalisin dun sa place. Like, duh. Asawa yun ng CEO, and I remember alam naman nya na ako gumawa ng isa sa vid presentation para dun sa pop-up store. Hindi pa nga ako yung kinommend nung una, buti sinabi pa nung senior namin na ako gumawa nun. Andun ako nun, at andun din sya. Face to face. So bakit di nya marecognize mukha namin? I really hate it. To think that this was years old already, hindi ko maintindihan why it’s still shaking me to my core. I feel so angry, so helpless, so mad — so invisible.

I’m sorry sa mga taong nagsasasabing wala akong fashion sense ha, pasensya na talaga. Ganto ako eh. Lumaki ako na wala namang background sa ganyan. Mas importante yung kakainin namin sa araw kesa sa pagarbong suot. Naiirita ako, parang ang laki ng kasalanan ko dahil hindi ako nagsusuot ng damit maayos or dahil hindi bagay yung mga sinusuot ko sakin. Sobrang laking kasalanan ba nun? Pasensya na talaga ang panget ko. Pasensya na ganto lang ako, walang concern sa sarili. Kayo na magaganda. Kayo na magagaling.

--

--

R
0 Followers

Just talking out my thoughts.